Sa Santiago, Chile, dumalo kahapon, Martes, ika-22 ng Nobyembre 2016, si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng summit ng mga tagapangasiwa ng mga media ng Tsina at Latin-Amerika.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi, na ang pagpapalitan ng mga media ay mahalagang bahagi ng relasyon ng Tsina at Latin-Amerika, at malaki ang papel nito para sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang panig.
Ipinahayag ni Xi ang pag-asang patataasin ng mga media ng Tsina at Latin-Amerika ang lebel ng kanilang pagpapalitan at pagtutulungan. Nanawagan din siya sa mga media ng dalawang panig, na magkakasamang magsikap para palakasin ang kanilang impluwensiya sa daigdig, at patingkarin ang positibong papel sa pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Latin-Amerika.
Dumalo rin sa seremonya ng pagbubukas ng summit na ito sina Pangulong Michelle Bachelet ng Chile, at Executive Secretary Alicia Bárcena ng United Nations Economic Commission for Latin America and the Caribbean.
Salin: Liu Kai