Lima — Sa kanyang keynote speech nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 19, 2016 (local time), sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit, iniharap ni Pangulong Tsino, bilang tugon sa kasalukuyang kinakaharap na hamon ng pag-unlad ng rehiyong Asya-Pasipiko, ang mga bagong ideya at hakbangin upang mapasulong ang pag-unlad ng rehiyong ito.
Sa kalagayang kawalang-lakas pa rin ng pag-ahon ng kasalukuyang kabuhayang pandaigdig, kinakaharap din ng rehiyong Asya-Pasipiko ang hamon sa kung paanong ibayo pang isusulong ang pag-unlad nito. Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang isang rehiyong may pinakamalaking saklaw ng kabuhayan at pinakamaraming kasiglahan sa buong daigdig, dapat matapang na isabalikat ng rehiyong Asya-Pasipiko ang responsibilidad nito at isagawa ang malakas na aksyon upang mapasigla ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay nito, iniharap ng Pangulong Tsino ang apat (4) na mungkahing kinabibilangan ng una, dapat pasulungin ang integrasyong pangkabuhayan para maitatag ang bukas na ekonomiya; ikalawa, dapat pasulungin ang konektibidad para maisakatuparan ang magkakasamang pag-unlad; ikatlo, dapat pasulungin ang reporma at inobasyon upang mapalakas ang puwersang panloob sa pag-unlad; ika-apat, dapat pasulungin ang kooperasyon at palalimin ang partnership ng mga ekonomy sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng