Sa kanyang talumpating binigkas nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 21, 2016, sa Kongreso ng Peru, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat magkasamang palakasin ng Tsina at Latin-Amerika ang kooperasyon upang maitayo ang kanilang Community of Common Destiny at pag-ibayuhin ang komprehensibong partnership ng dalawang panig.
Ani Pangulong Xi, mahaba ang panahon ng pagpapalitang pangkaibigan ng Tsina at Latin-Amerika. Sapul nang pumasok sa bagong siglo, naisakatuparan aniya ng relasyon ng dalawang panig ang leaping development, at komprehensibo ring isinusulong ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Ang pagpapasulong ng nasabing relasyon at bilateral na kooperasyon ay hindi lamang magkatumga sa tunguhin ng siglo, kundi nagiging angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang panig, aniya pa.
Binigyang-diin ni Xi na ang Tsina ay palagiang nagiging tagapagtatag ng kapayapaang pandaigdig, tagapag-abuloy ng kaunlarang pandaigdig, at tagapagtanggol ng kaayusang pandaigdig. Iginigiit aniya ng Tsina ang pagtahak ng landas ng mapayapang pag-unlad. Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang panig, upang mapasulong ang malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng