Sa Lima, Peru, dumalo kahapon, Lunes, ika-21 ng Nobyembre 2016, sina Pangulong Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan ng Tsina, kasama ng kanilang Peruvian counterpart na sina Pangulong Pedro Pablo Kuczynski at First Lady Nancy Lange, sa seremonya ng pagtapos ng "taon ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Latin-Amerika."
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Xi, na kailangang patuloy na palalimin ang diyalogong pangkultura ng Tsina at Latin-Amerika, para palakasin ang pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan, at pasulungin ang progreso ng lipunan.
Ipinahayag naman ni Kuczynski, ang kahandaang palakasin ang pagpapalitang pangkultura ng Peru at Tsina, para mas mabuting umunlad ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai