Kaugnay ng isyu kung pag-uusapan o hindi ang tungkol sa South China Sea sa panahon ng gagawing state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, ipinahayag sa Beijing Lunes, Oktubre 17, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang nagsisikap ang panig Tsino kasama ng mga kaukulang bansa sa nasabing isyu na gaya ng Pilipinas, upang mapayapang malutas ang may-kinalamang hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian at talastasan. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na aktibong makipagtalakayan sa mga naturang kaukulang bansa hinggil sa pagsasagawa ng pragmatikong kooperasyon sa South China Sea para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito at maisakatuparan ang komong pag-unlad.
Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa ni Pangulong Duterte ang state visit sa Tsina mula ika-18 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan.
Salin: Li Feng