Ipinalabas kahapon, Biyernes, ika-4 ng Nobyembre 2016, ng State Oceanic Administration ng Tsina ang balangkas na plano hinggil sa pandaigdig na kooperasyon sa South China Sea at nakapaligid na karagatan mula 2016 hanggang 2020.
Batay sa "Belt and Road" initiative, iniharap sa naturang dokumento ang mga plano hinggil sa kooperasyon ng Tsina, mga bansa sa paligid ng South China Sea, at mga pandaigdig na organisasyon, sa mga aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima sa karagatan, pangangalaga sa kapaligiran ng karagatan, pangangalaga sa sistemang ekolohikal sa karagatan, pagbabawas ng mga kalamidad sa karagatan, pananaliksik sa karagatan, pangangasiwa sa karagatan, at paggagalugad ng mga yaman sa karagatan.
Salin: Liu Kai