Ipinahayag kamakailan ng opisyal ng Pilipinas na kasalukuyan nitong pinag-aaralan ang posibilidad ng pagsasagawa ng visa-free policy sa mga turistang Tsino upang maparami ang bilang ng mga turistang dayuhan sa bansa.
Ayon sa opisyal ng departamentong panturismo ng Pilipinas, napakalaki ng bilang ng mga turistang Tsino. Noong isang taon, pumalo sa 120 milyong person-time ang mga turistang Tsino sa ibang bansa. Kabilang dito, nasa halos 491 libong turistang Tsino ang nagtungo sa Pilipinas; na katumbas lamang ng napakaliit na parte. Aniya, ang visa problem ay isa sa mga sanhi kung bakit hindi pinipili ng mga Chinese tourists ang Pilipinas bilang kanilang destinasyong panturista.
Salin: Li Feng