|
||||||||
|
||
Noong Pulong ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa taong 2016, naitakda ng dalawang panig na ang taong 2017 ay magsisilbing "Taon ng Kooperasyong Panturismo ng Tsina at ASEAN." Ipinahayag ng dalawang panig na sa balangkas ng mekanismo ng pagpapalitan at kooperasyong panturismo ng Tsina at ASEAN, ibayo pa nilang palalakasin ang kooperasyon sa mga aspektong tulad ng pagpapalaganap sa pamilihan, paggagalugad ng mga produkto, pamumuhunan sa turismo, pagsasanay ng mga talento, kalidad ng serbisyo, konektibidad, at iba pa. Layon nitong maisakatuparan ang target na makakaabot sa 30 milyong person-time ang bilang ng mga turista sa isa't-isa sa taong 2020.
Ayon sa Kagawaran ng Turismo (DoT) ng Pilipinas, lubos na pinahahalagahan ng Pilipinas ang Chinese tourism market. Isasagawa anito ang mas malaking pagsisikap sa mga aspektong gaya ng pagsasaginhawa sa pagbibigay-visa, pagdaragdag ng direktang flight, at pagpapalakas ng pagpapalaganap at promosyon sa Tsina, para makaakit ng mas maraming turistang Tsino sa bansa. Anito pa, kasalukuyang pinalalakas ng Pilipinas ang konstruksyon sa imprastruktura, at winiwelkam ang mga Chinese tourism companies na mamumuhunan sa kanyang bansa.
Ipinahayag din ni Du Jiang, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, na sa mula't mula pa'y pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pakikipagkooperasyong panturismo sa ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng mga bansang ASEAN, para maging ika-3 pinakamalaking sandigan ng bilateral na relasyon ang pagpapalitan at kooperasyong pangkultura na sumusunod lamang ng kaligtasang pulitikal at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |