Kaugnay ng talumpati ni Tsai Ing-wen sa inagurasyon, ipinahayag ngayong araw, Mayo 20 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na kahit anong pagbabago ang magaganap sa kalagayang pulitikal sa loob ng Taiwan, hindi magbabago ang paninindigan ng pamahalaang Tsino.
Binigyang-diin ni Hua na ang simulaing"Isang Tsina" ay unibersal na kinikilala ng komunidad ng daigdig, at ang paggigiit sa nasabing simulain ay mahalagang pundasyong pulitikal at paunang kondisyon ng pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina sa iba't ibang bansa sa daigdig. Dagdag pa niya, kahit anong pagbabago ang magaganap sa kalagayang pulitikal ng Taiwan, hindi magbabago ang paninindigan ng Tsina sa paggigiit sa simulaing "Isang Tsina," at pagtutol sa "pagsasarili ng Taiwan," "dalawang Tsina," o "isang Tsina, at isang Taiwan."
Salin: Vera