Ipinahayag nitong Biyernes, Disyembre 2, 2016, ng pamahalaang Pilipino ang pasasalamat sa China Coast Guard (CCG) sa pagkaligtas ng dalawang (2) mangingisdang Pinoy sa nakapaligid na karagatan ng Huangyan Island.
Sinabi ni Martin Andanar, Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO), na salamat sa tulong ng CCG, nakaligtas ang nasabing dalawang mangingingisdang Pinoy. Ito aniya ay nagpapakitang napanumbalik na sa mapagkaibigang landas ang relasyong Pilipino-Sino pagkaraan ng matagumpay na biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina kamakailan. Inaasahan ng Pilipinas na ibayo pang mapapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng