Mula ika-2 hanggang ika-4 ng Disyembre, 2016, idinaos sa Beijing ang unang China-ASEAN Youth Summit. Kalahok dito ang halos 150 kabataan mula sa Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Tinalakay ng mga kalahok na kabataan ang mga isyu sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at iniharap nila ang mga mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng relasyong Sino-ASEAN.
Bilang tagapagtaguyod ng summit, sinabi sa seremonya ng pagbubukas ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN China Center, na ang pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN ay nangangailangan ng aktibong pakikilahok ng mga kabataan ng dalawang panig. Aniya, ang pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga kabataan ay makakatulong sa kanilang pag-uunawaan at pagkakaibigan, para maging mas matibay ang pundasyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Liu Kai