Nag-usap Nobyembre 6, 2016, sa Wuxi, lalawigang Jiangsu, Tsina sina Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center(ACC) at Gatot Hari Priowirjanto, Pangkalahatang Kalihim ng Southeast Asian Ministers of Education Organization(SEAMEO).
Ipinahayag ni Yang ang pag-asang hihigpit ang pagpapalitan ng dalawang panig para magkasamang pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa larangang pang-edukasyon.
Ipinahayag naman ni Gatot, na sa "Taong Pangkooperasyon sa Turismo ng Tsina at ASEAN" sa taong 2017, inaasahang pahihigpitin ang pagpapalitan ng dalawang organo para pasulungin ang pagtutulungan sa tourism vocational education training ng Tsina at ASEAN.