Nanning, Oktubre 31, 2016--Idinaos sa Guangxi University ang seremonya ng pagtatatag ng Liga ng Think Tank ng mga Unibersidad ng Tsina at ASEAN. Walumpung (80) kinatawan mula sa mga pamantasan ng Tsina at ASEAN ang kalahok dito.
Isinalaysay ni Liang Ying, Puno ng Instituto ng Tsina at ASEAN ng Guangxi University na ang nasabing liga ay magiging bagong platporma para sa pananaliksik ng mga isyu hinggil sa ASEAN, at magpapasulong ng pagpapalitan at kooperasyon ng mga think tank ng mga unibersidad ng Tsina at ASEAN. Ito rin aniya ay makakatulong sa kooperayon ng dalawang panig sa pulitika, kabuhayan at kultura.
salin:lele