Nag-usap kamakailan sa Jakarta, Indonesya, sina Xu Bu, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Tinalakay ng dalawang panig ang plano ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa mga aspekto ng media at think tank sa susunod na taon. Anila, ang taong 2017 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, at taon ng kooperasyong panturismo ng Tsina at ASEAN. Umaasa anila silang idaraos sa susunod na taon ang mas maraming aktibidad na pangkooperasyon sa mga may kinalamang aspekto.
Salin: Liu Kai