Patuloy ang biyahe ng mga mamamahayag mula sa mga media ng sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa Anhui, lalawigan sa silangang Tsina. Kahapon, Martes, ika-8 ng Nobyembre 2016, bumisita sila sa Fuyang, malaking lunsod na matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng naturang lalawigan.
Isinalaysay ni Chen Jun, Pangalawang Alkalde ng Fuyang, sa mga mamamahayag ang mga kalagayan sa lokalidad hinggil sa reporma at pagpapaunlad ng kabuhayan, pagsasagawa ng "Belt and Road" initiative, at pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga bansang ASEAN.
Dagdag niya, masagana ang Fuyang sa yamang-tao, produktong agrikultural, at karbon, at lipos din ito ng pagkakataong pang-negosyo. Umaasa aniya siyang mapapasulong ang kooperasyon ng lunsod na ito at mga bansang ASEAN sa naturang mga aspekto.
Salin: Liu Kai