Ipinahayag kamakailan ng isang opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Myanmar na para ibayo pang mapasulong ang pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal ng bansa, itatatag ng pamahalaan ang espesyal na tanggapan para malutas ang mga problema na kinakaharap ng mga nasabing bahay-kalakal. Aniya, bubuuin ito ng pangalawang pangulo ng bansa at kanyang pirmihang sekretarya, at mga kinatawan ng mga pribadong bahay-kalakal.
Ang nasabing tanggapan ay tatawaging "Lupon hinggil sa mga Suliranin ng mga Pribadong Bahay-kalakal."
Salin: Andrea