Ipinatalastas kahapon, Huwebes, December 1 2016, ng palasyong pampanguluhan ng Myanmar ang pagbuo ng lupong tagapagsiyasat para sa mga teroristikong pag-atake na naganap noong ika-9 ng Oktubre ng taong ito, sa Rakhine State, timog kanlurang bahagi ng bansang ito.
Labintatlong (13) miyembro ang bumubuo sa lupong ito na pinamumunuan ni Myint Swe, Unang Pangalawang Pangulo ng Myanmar. Nakatakda nitong isumite ang ulat ng pagsisiyasat sa pangulo sa huling araw ng Enero ng susunod na taon.
Naganap ang nabanggit na mga teroristikong pag-atake sa 3 tanggapan ng kapulisang panghanggahan sa Rakhine State. Siyam (9) na pulis at 8 armadong tauhan ang napatay sa pagpapalitang-putok, at 2 may-kagagawan ang nadakip.
Salin: Liu Kai