|
||||||||
|
||
Madagascar — Sa kanyang pagdalo sa Ika-16 na Organisation Internationale de la Francophonie (OIF) o International Organization of La Francophonie Summit, nanawagan nitong Sabado, Nobyembre 26, 2016, si Pangulong François Hollande ng Pransya na alisin ang blockade at embargo laban sa Cuba.
Sa isang news briefing pagkaraan ng seremonya ng pagbubukas ng nasabing suumit, ipinahayag ni Hollande na palagiang itinuturing ng kanyang bansa ang Cuba bilang partner, at dapat "ganap" na pawalang-bisa ang blockade at embargo.
Winika ito ni Hollande nang mabanggit ang tema tungkol sa pagyao ng Cuban revolutionary lider na si Fidel Castro.
Noong Mayo, 2015, bumiyahe minsan si Hollande sa Cuba, at naging unang lider ng malaking bansang Kanluranin na bumisita sa Cuba makaraang pahupain ang relasyon ng Cuba at Amerika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |