Sa pamamagitan ng 234 na boto ng pagsang-ayon at 56 na boto ng pagtutol, pinagtibay ngayong araw, Biyernes, ika-9 ng Disyembre 2016, ng parliamento ng Timog Korea, ang impeachment kay Pangulong Park Geun-hye, na nasangkot sa corruption scandal.
Batay sa prosesong pambatas ng T.Korea, pagkaraang pagtibayin ng parliamento ang impeachment, isusumite ito sa constitutional court para suriin. Aabot sa 6 na buwan ang tagal ng pagsusuri. Sa panahong ito, suspendido si Park sa tungkulin ng pangulo, at magiging umaaktong pangulo ang Punong Ministro ng T.Korea.
Salin: Liu Kai