Ipininid kahapon, Biyernes, ika-9 ng Disyembre 2016, sa Beijing ang dalawang araw na dialogue meeting ng mga think tank ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kalahok sa pulong ang mahigit 20 iskolar sa suliraning pandagat mula sa Tsina at mga bansang ASEAN. Tinalakay nila ang hinggil sa mga patakaran ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon, papel ng Tsina sa pagbuo ng bagong kaayusan sa rehiyon, komong pag-unlad sa rehiyon ng South China Sea sa hinaharap, at mga iba pang paksa.
Pagdating sa isyu ng South China Sea, ipinalalagay ng mga kalahok, na dapat alisin ng iba't ibang may kinalamang panig ang mga hadlang mula sa labas ng rehiyon, at kontrolin ang mga pagkakaiba at hidwaan. Dapat din anilang pasulungin ng iba't ibang panig ang kooperasyong pandagat, at pag-aralan ang posibilidad sa kooperasyon sa mga aspekto, na gaya ng seguridad, paglaban sa terorismo, pagbibigay-dagok sa mga pirata, pangingisda, kapaligirang ekolohikal, bio-diversity, enerhiya, at iba pa.
Salin: Liu Kai