Binuksan kahapon, Miyerkules, ika-2 ng Nobyembre 2016, sa Kunming, lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, ang workshop ng Tsina at ASEAN hinggil sa paglaban sa korupsyon. Ito ang kauna-unahang aktibidad na pangkooperasyon sa balangkas ng "10 plus 1" hinggil sa naturang usapin.
Tinukoy ng kalahok na kinatawang Tsino, na bilang mga umuunlad na bansa, kinakaharap ng Tsina at mga bansang ASEAN ang halos parehong kalagayan at hamon ng paglaban sa korupsyon. Iminungkahi niyang dagdagan ng iba't ibang bansa ang komong palagay hinggil sa kooperasyon sa paglaban sa korupsyon, palawakin ang paraan ng kooperasyon, talakayin ang hinggil sa pagbuo ng balangkas ng rehiyonal na kooperasyon sa paglaban sa korupsyon, at magkakasamang pag-aralan ang mga konkretong isyu sa aspektong ito.
Tinukoy ng mga kinatawan ng mga bansang ASEAN, na ang pagtataguyod ng Tsina sa naturang workshop ay malaking ambag sa paglaban sa korupsyon sa rehiyon. Ito rin anila ay mahalagang plataporma para palakasin ng iba't ibang bansa ang kakayahan sa usaping ito at ibahagi ang mga impormasyon. Positibo rin sila sa mga hakbangin ng Tsina ng paglaban sa korupsyon.
Salin: Liu Kai