Sa pagtataguyod ng China Council for Promotion of International Trade at mga chamber of commerce and industry ng iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), naisaoperasyon kahapon, Biyernes, ika-9 ng Disyembre 2016, ang China-ASEAN E-commerce platform. Ang website nito ay www.eshopasean.com.
Sa unang yugto, maibebenta sa platapormang ito ang mga paninda mula sa mga bansang ASEAN. Sa kasalukuyan, ang mga supplier ay galing sa 7 bansang ASEAN, na kinabibilangan ng Indonesya, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Biyetnam, at ang mga paninda ay prutas, pagkain, produktong pangkalusugan, bagay para sa pang-araw-araw na pamumuhay, kosmetiko, at iba pa.
Salin: Liu Kai