Natapos kahapon, Disyembre 10, 2016, sa Tangerang ng Indonesia ang ika-16 na round ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sa limang araw na talastasan, narating ng mga kalahok ang nagkakaisang posisyon sa nilalaman ng RCEP na may kinalaman sa mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal.
Ayon sa ulat, ang nasabing nilalaman ng RCEP ay magpapahigpit ng pagbabahaginan at pagtutulungan ng mga kasangkot na bansa sa impormasyon, magpapataas ng kakayahan ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal at magkakaloob ng mas maraming pagkakataon para sa naturang mga bahay-kalakal.
Inulit ng mga kalahok na bansa na magsisiskap sila para marating ang moderno, komprehensibo, de-kalidad at may mutuwal na kapakinabangang kasunduan.
Bukod dito, inaasahan ng mga kahalok na matatapos ang lahat ng mga talastasan ng RCEP sa taong 2017. Sa ika-15 round ng talastasan na idinaos sa Tianjin ng Tsina noong Oktubre, 2016, naarating ng mga kalahok na bansa ang nagkakaisang posisyon hinggil sa kooperasyon ng kabuhayan at teknolohiya.