Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na kasunod ng pag-unlad ng pamilihang pinansiyal ng buong daigdig at pangangailangan ng kabuhayan at negosyo ng kanyang bansa, dapat gamitin ang Chinese RMB bilang standard foreign exchange ng Indonesia at ang exchange rate ng US Dolyares sa Indonesian Rupiah ay hindi dapat patuloy na maging pangunahing istandard ng kabuhayan ng bansang ito.
Sinabi niyang ang kabuuang bolyum ng pagluluwas ng Indonesiya sa Amerika ay katumbas lamang ng 10% ng kabuuang bolyum ng pagluluwas ng bansang ito.
Sinabi rin niyang ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng kanyang bansa at ang kabuuang bolyum ng kanyang bansa sa Tsina ay katumbas ng 15% ng kabuuang bolyum ng pagluluwas nito.