Jakarta, Indonesia—Miyerkules, ika-23 ng Nobyembre, 2016, idinaos dito ang Forum on Development Finance Supporting the Infrastructure Building and Industries Development in Indonesia. Dumalo dito ang mahigit 300 kinatawan mula sa mga pamahalaan, organong pinansyal at bahay-kalakal ng Tsina at Indonesia.
Ang nasabing porum ay magkakasamang itinaguyod ng Embahada ng Tsina sa Indonesia, Coordinating Ministry for the Economy ng Indonesia, China Development Bank at Sinar Mas Group. Naglalayon itong patingkarin ang katangi-tanging bentahe ng development finance sa pangingilak ng pondo, talento at komersyo, palalimin ang kooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan, bangko at bahay-kalakal, at tulungan ang pag-uugnayan ng "Belt and Road" initiative ng Tsina at "malakas na bansang pandagat" ng Indonesia.
Salin: Vera