Ipinadala nitong Martes, Disyembre 13, 2016, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Bill English bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro ng New Zealand.
Sa mensahe, ipinahayag ng premyer Tsino na bilang kapwang mahalagang bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, may malawakang komong kapakanan ang Tsina at New Zealand. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at mabunga ang kanilang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Ang mga ito ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, aniya pa.
Salin: Li Feng