|
||||||||
|
||
Botong nakamtan ni Duterte, mula sa mga dismayado sa pamahalaan
PROTEST VOTES ANG IPINAGWAGI NI G. DUTERTE. Sinabi ng political analyst na si Ramon Casiple ng IPER na dismayado ang mga botante sa kawalan ng pagbabago mula noong 1986. Pinaniwalaan ng madla ang pangakong pagbabago ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ngayo'y pangulo na ng Pilipinas. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA ang political analyst na si G. Ramon Casiple na mula sa mga dismayado sa pamahalaan ang nakamtang boto ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte noong nakalipas na halalan noong Mayo a-nueve.
Sa idinaos na Year-Ender edition ng Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni G. Casiple na dismayado ang mga mamamayan sa kawalan ng pagbabago sa nakalipas 30 taon mula ng mapatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos. Halos walang ipinagbago ang katayuan ng mga mamamayan, dagdag pa ni G. Casiple.
Samantala, sinabi rin ni G. Casiple na nanatiling isyung hinaharap ng pamahalaan ang sinasabing extra judicial killings at mga pagbabago sa larangan ng paggawa lalo pa't ipinangako ni G. Duterte ang pagtatapos ng kontraktuwalisasyon. Sa larangan ng politika, isang malaking tanong ang magaganap matapos magbitiw si Vice President Leni Robredo sa kanyang puesto sa gabinete.
Makikita umanot ang kawalan ng pagkakaisa sa loob mismo ng pamahalaan. Sa huli ay naniniwala si G. Casiple na maganda ang nagaganap sa Pilipinas at patungo na mismo sa ipinangakong pagbabago.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |