|
||||||||
|
||
Kahirapan, isang batobalani sa human trafficking
KAHIRAPAN ANG DAHILAN NG HUMAN TRAFFICKING. Sinabi ni Gng. Cecilia Flores Oebanda, nagtatag ng Visayan Forum Foundation na sa oras na umunlad ang ekonomiya at madama ang kaunlaran sa kanayunan, matutuldukan ang human trafficking at cyber sex. Isang malaking hamon para sa Duterte administration na magkaroon ng livelihood programs para sa lahat. (Melo M. Acuna)
ANG kahirapan sa kanayunan, sa kabundukan at maging sa baybay-dagat ang siyang nagiging dahilan upang mahulog sa bitag ng human trafficking syndicates. Ito ang tuwirang sinabi ni Cecilia Flores Oebanda, nagtatag ng Visayan Forum Foundation sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kaninang umaga.
Karamihan umano ng mga nabibiktima ay mula sa Kabisayaan at Mindanao at sa pagbubukas ng maraming mga daungan at paliparan sa Mindanao dahil sa pagpapasigla ng ASEAN Economic Community, nakatitiyak na mas marami ang magiging biktima.
Ayon kay Gng. Oebanda, karamihan ng mga nabibiktima ay mula sa Kabisayaan at Mindanao. Bukod sa human trafficking marami na rin ang nahuhulog sa patibong ng mga sangkot sa cyber sex.
Bagaman, naniniwala si Gng. Oebanda na tama ang direksyon ng pamahalaan upang masugpo ang mga katiwalian laban sa mga kababaihan at mga kabataan. Kailangan lamang palakasin ang mga programang pangkabuhayan ng mga mahihirap upang huwag nang mag-isip ang mga mahihirap na kumapit sa patalim.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |