|
||||||||
|
||
Obispo, nakiisa sa mga biktima ng pagpaslang
SINABI ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nakikiisa siya sa mga nabiktima ng mga pagpaslang na nagmula sa "Oplan Tokhang" ng pulisya.
Ayon sa obispo, mas mabuting tingnan ang kalagayan ng mga naulilang kapatid, magulang at mga anak ng may 6,000 napaslang. Bukod sa pagdadalamhati ay nakaranas sila ng ibayong pagkabalisa na maaaring humigit sa 30 libo sa karaniwang pagtatala ng lima katao sa bawat pamilya.
Mahirap umanong itanggi ng pamahalaan na walang nagaganap na karahasan at malalagim na pagpaslang sa mga pinaghihinalaang sangkot sa illegal drugs. Marami ring sumailalim sa takot, pangamba na ang karamiha'y mga mahihirap na pamilya matapos gawin ang Oplan Tokhang sa kanilang mga barangay at mga tahanan.
Nananawagan ang mga alagad ng Simbahan sa pamahalaan na masdan din ang kalagayan ng mga mamamayan, partikular na ang mahihirap. Kailangan umanong madama ng mga mamamayan ang pagkalinga ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |