Nang kapanayamin kamakailan ng Xinhua News Agency ng Tsina, ipinahayag ni Lim Hong Hin, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na hanggang sa kasalukuyan, mabunga ang konstruksyon ng ASEAN Community.
Sinabi niyang sapul nang itatag ang ASEAN Economic Community (AEC) noong ika-31 ng Disyembre ng taong 2015, isinagawa nito ang isang serye ng mga mahalagang hakbangin na kinabibilangan ng mga sumusunod: una, pagtatatag ng database ng kalakalan ng iba't ibang kasaping bansa para mas madaling malaman ng mga mangangalakal ang batas at regulasyon ng mga kasaping bansang ASEAN; ikalawa, unti-unting pagpapasulong ng liberalisasyon ng serbisyo ng ASEAN; ikatlo, pagpapatibay ng Open Skies Agreement ng lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN.
Sinabi rin ni Lim na ang agwat sa pagitan ng kabuhayan ng mga kasaping bansa ng ASEAN ay isang pangunahing hamon. Ito aniya ay makakahadlang sa pagsasakatuparan ng ASEAN sa pangako ng integrasyon.
Kaugnay ng makatwirang pagbabahaginan ng kapakanan na dulot ng pagkakatatag ng AEC, ipinalalagay ni Lim na nagiging susi ng paglutas ng isyung ito ay pagbalangkas ng isang sistematikong paraan para mabisa at maagang makatugon sa kahilingan ng iba't ibang kasangkot na panig.
Bukod dito, sinabi ni Lim na umaasa ang ASEAN na patuloy na pahihigpitin ang kooperasyong pangkabuhayan sa Tsina. Ito aniya ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng target ng mga konstruksyon ng AEC blueprint 2025.
Sinabi rin niyang ang production capacity cooperasyon ng Tsina at ASEAN ay isang magandang modelo para tulungan ang pagpapalakas ng ASEAN sa kakayahang kompetetibo at pagpapalaki ng kabuhayan. Dagdag pa niya, ito'y magbibigay ng ambag para sa integrasyon ng kabuhayan ng ASEAN.