|
||||||||
|
||
Sa pagkikita ng media na idinaos sa Embahadang Biyetnames sa Tsina nitong Lunes, Disyembre 19, 2016, ipinahayag ni Dang Minh Khoi, Embahador ng Biyetnam sa Tsina, na masalimuot at nagbabago ang kasalukuyang situwasyong panrehiyon at pandaigdig, kaya dapat lalo pang pahigpitin ng Biyetnam at Tsina ang kanilang pagkakaisa, at dapat ding palakasin ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan.
Nagtatalumpati si Dang Minh Khoi sa pagkikita.
Dumalo sa nasabing pagkikita ang mga kinatawan mula sa mahigit 20 pangunahing mediang Tsino na tulad ng China Radio International (CRI), Xinhua News Agency, at China Central Television (CCTV), at tanggapan ng mediang Biyetnames sa Beijing. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ng Vietnamese Ambassador na napakahalaga ng pagpapasulong at pagpapalakas ng relasyong pangkaibigan at komprehensibong kooperasyong Biyetnames-Sino, dahil ito aniya ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Kinakapanayam ng mamamahayag ng CRI (sa kanan) si Dang Minh Khoi (sa kaliwa).
Nang kapanayamin ng mamamahayag ng CRI, sinabi ni Dang Minh Khoi na sa taong kasalukuyan, mainam na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng pulitika, kabuhayan, siyensiya't teknolohiya, at pagpapalitang di-pampamahalaan. Nananalig aniya siyang ipagpapatuloy ang tunguhing ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |