|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur — Isiniwalat nitong Miyerkules, Disyembre 21, 2016, ni Abdul Aziz Kaprawi, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na makikipagpulong ito sa Tsina at Australia upang tiyakin ang direksyon ng paghahanap ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines sa susunod na yugto.
Sa isang ulat na ipinalabas nitong Martes ng Australia, tinukoy nitong malaki ang posibilidad na hindi nasa kumpirmadong saklaw ng kasalukuyang pinaghahanapan ang nawawalang MH370. Posible anitong matatagpuan ang eroplano sa hilagang direksyon na napakalayo sa kasalukuyang saklaw ng pinaghahanapan.
Ani Abdul Aziz Kaprawi, bago magpulong ang nasabing tatlong bansa, di-mabuti kung magbibigay ang Ministri ng Komunikasyon ng Malaysia ng mga komento hinggil sa nasabing inilabas na ulat ng Australia.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |