Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-23 ng Disyembre 2016, sa Siem Reap, Kambodya, ang Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas hinggil sa Kooperasyon sa Lancang-Mekong River. Kalahok sa pulong ang mga ministrong panlabas ng Tsina, Kambodya, Myanmar, Laos, Thailand, at Biyetnam.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang pag-asang mararating ang mas maraming komong palagay hinggil sa pag-unlad ng kooperasyon sa Lancang-Mekong River sa hinaharap, para pumasok ang kooperasyong ito sa bagong yugto ng komprehensibong pagpapatupad.
Dagdag pa niya, para pangalagaan ang kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan sa rehiyon ng Lancang-Mekong River, kailangang magkakasamang harapin ng naturang 6 na bansa ang mga hamon, samantalahin ang mga pagkakataon, at palakasin ang kanilang kooperasyon.
Salin: Liu Kai