Ayon kay Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, idaraos sa ika-23 ng buwang ito sa Siem Reap, Kambodya, ang Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas hinggil sa Kooperasyon sa Lancang-Mekong River. Dadalo sa pulong ang mga ministrong panlabas ng Tsina, Kambodya, Myanmar, Laos, Thailand, at Biyetnam.
Sinabi nitong Biyernes sa Beijing ni Geng, na umaasa ang panig Tsino, na matatamo ng pulong na ito ang mga bagong progreso sa pagpapasulong ng kooperasyon sa Lancang-Mekong River sa dalawang aspekto. Una, patitibayin ang pundasyon ng kooperasyon, para igarantiya ang malusog, matatag, at tuluy-tuloy na pag-unlad ng mekanismo ng kooperasyon sa Lancang-Mekong River. Ikalawa, palalalimin ang komprehensibong kooperasyon sa iba't ibang aspekto, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai