Siem Reap — Sa kanyang pagdalo sa Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), kinatagpo nitong Huwebes, Disyembre 22, 2016, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kanyang Cambodian counterpart na si Prak Sokhonn.
Sina Prak Sokhonn (sa kaliwa) at Wang Yi (sa kanan)
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wang na ang LMC ay isang bagong mekanismong pangkooperasyon na magkatugma sa tunguhin ng mabilis na pag-unlad ng integrasyong panrehiyon, at angkop sa komong mithiin ng mga bansa sa rehiyong ito sa pagpapalakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng mga bansa sa Mekong River tulad ng Cambodia, upang mapasulong ang pagpasok ng LMC sa bagong yugto ng komprehensibong pagsasagawa.
Ipinahayag naman ni Prak Sokhonn na ibinibigay ng Tsina ang napakahalagang papel sa LMC. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa upang makuha ng nasabing pulong ang tagumpay.
Salin: Li Feng