|
||||||||
|
||
Sina Tran Thanh Man (sa kaliwa) at Yu Zhengsheng (sa kanan)
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes ng hapon, Disyembre 22, 2016, kay Tran Thanh Man, Pangalawang Presidente ng Komite Sentral ng Vietnam Fatherland Front, sinabi ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na lubos na pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Nakahanda aniya itong magsikap kasama ng panig Biyetnames upang mapasulong ang pagtatamo ng malaking pag-unlad ng relasyon ng dalawang partido at bansa.
Ipinahayag naman ni Tran Thanh Man ang kahandaan ng kanyang bansa na patuloy na palakasin ang tradisyonal na pagkakaibigang Biyetnames-Sino, at mapasulong pa ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |