|
||||||||
|
||
SIEM REAP — Sa kanyang pagdalo sa Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), kinatagpo nitong Biyernes, Disyembre 23, 2016, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina si Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wang na dapat patuloy at maayos na hawakan ng dalawang bansa ang kanilang alitan, at dapat din nilang patuloy na palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan upang maigarantiya ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.
Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh na nitong ilang taong nakalipas, mainam ang pag-unlad ng relasyong Biyetnames-Sino. Aniya, ang Biyetnam ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ipinahayag din niya ang kahandaan ng panig Biyetnames na maayos na kontrulin at hawakan ang pagkakaiba ng dalawang bansa sa usapin hinggil sa dagat.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |