SIEM REAP — Sa kanyang pagdalo sa Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), kinatagpo nitong Biyernes, Disyembre 23, 2016, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kanyang Lao counterpart na si Saleumxay Kommasith.
Ipinahayag ni Wang na ang kasalukuyang taon ay ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos, at natamo ng relasyong Sino-Lao ang mahalagang progreso. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Lao, upang mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Saleumxay ang ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa Laos sa mahabang panahon. Nakahanda aniya ang Laos na ibayo pang palakasin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa iba't-ibang antas at palalimin ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng