Sa taunang preskon, ipinahayag nitong Biyernes, Disyembre 23, 2016, ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na nasa napakataas na lebel ang kasalukuyang relasyong Ruso-Sino. Pinahahalagahan aniya ng panig Ruso ang relasyon sa Tsina, at inaasahan niya ang ibayo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Putin na sa aspekto ng kabuhayan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Rusya. Bukod dito, nagkaroon na aniya ang Rusya at Tsina ng mga bagong kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya at imprastruktura.
Salin: Li Feng