Sa magkasanib na preskong idinaos kahapon, Lunes, ika-7 ng Nobyembre 2016, sa St. Petersburg, Rusya, pagkatapos ng kanilang ika-21 regular na pagtatagpo, isinalaysay nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya, ang mga bunga ng naturang pagtatagpo.
Ayon sa dalawang PM, sinang-ayunan nilang palakasin ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya, hindi lamang sa mga tradisyonal na larangan, gaya ng enerhiya at malalaking proyekto, kundi rin sa mga bagong aspektong, gaya ng kooperasyon sa mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal, pinansya, imprastruktura, pagpopoproseso ng mga produktong agrikultural, at iba pa.
Ipinahayag din ng kapwa panig ang kahandaang pasulungin ang globalisasyon at rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, bilang tugon sa kasalukuyang mahinang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai