|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya, isasagawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang opisyal na pagdalaw sa Rusya at dadalo sa Ika-21 Regular na Pagtatagpo ng mga Punong Ministro ng Tsina at Rusya na gaganapin sa Saint Petersburg.
Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Li Hui, Embahador ng Tsina sa Rusya, na sa kasalukuyan, mahusay at matatag ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya. Ito aniya ay naging modelo ng relasyon ng malalaking bansa.
Ani Li, ang mahigpit na pagdadalawan ng dalawang bansa ay mahalagang pagpapakita ng mainam na relasyong Sino-Ruso. Nagpopokus aniya ang mga regular na pagtatagpo ng mga Punong Ministro ng dalawang bansa sa mga pragmatikong larangang tulad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, estratehikong proyektong pangkooperasyon, at pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura. Ito ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, aniya pa.
Nananalig aniya siyang ang nasabing gagawing biyahe ni Premyer Li sa Rusya ay tiyak na makakapagpasulong sa relasyong Sino-Ruso, at makakapagpalalim sa pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |