|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Biyernes, Disyembre 23, 2016, ni Pangulong Bashar Assad ng Syria na ang komprehensibong pagbawi ng Aleppo ay nakapagbigay ng kondisyon para sa paglutas sa isyu ng Syria sa paraang pulitikal.
Ayon sa ulat, nakipag-usap sa telepono nang araw ring iyon si Bashar kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya para ipahayag ang pasasalamat sa ibinigay na ambag ng Rusya sa liberasyon ng Aleppo. Ipinarating naman ni Putin ang kanyang pagbati sa pagbawi ng tropang pampamahalaan ng Syria sa Aleppo.
Nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 22, 2016, idineklara ng panig militar ng Syria ang ganap na pagbawi sa nasabing lunsod.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |