Ipinahayag nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 22, 2016, ng panig militar ng Syria na napatalsik na ang lahat ng nalalabing puwersang kontra-gobyerno sa Aleppo, lunsod sa kahilagaan ng bansa, at ang lunsod na ito ay ganap nang nabawi ng tropang pampamahalaan ng Syria.
Sa nasabing pahayag, sinabi ng panig militar ng Syria na ang naturang tagumpay ay mahalagang turning point ng pakikipagdigma ng bansang ito laban sa terorismo. Ito rin anito ay malakas na dagok sa organisasyong teroristiko at mga tagasuporta nito.
Salin: Li Feng