Tungkol sa insidente ng pagbagsak ng eroplanong militar ng Rusya, ipinadala Lunes, Disyembre 26, 2016, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay sa kanyang Russian counterpart na si Vladimir Putin.
Bumagksak nitong Linggo, Disyembre 25, ang isang military plane ng Rusya sa karagatang nakapaligid ng Sochi na ikinasawi ng lahat ng pasahero at crew nito. Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Pangulong Xi ang lubos na pakikidalahmati sa lahat ng nasawi, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima.
Salin: Li Feng