Nagpalitan ng palagay, Lunes, Disyembre 26, 2016 sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa pamamagitan ng telepono. Sa pag-u-usap, pinasalamatan ni Ban ang pagkatig ng Tsina sa mga gawain ng UN.
Pinapurihan ni Pangulong Xi si Ban na nagbigay ng mahalagang ambag para sa pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, kasaganaan ng daigdig. Ani xi, instrumental si Ban sa pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at UN, nitong 10 taong nakalipas sapul nang hirangin siya bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN.
Ipinahayag din ni Xi na patuloy na makikipagkooperasyon ang Tsina kay António Guterres, bagong Pangkalahatang Kalihim ng UN.
salin:lele