Bilang tugon sa isasagawang bagong unilateral na sangsyon ng Hapon at Timog Korea laban sa Hilagang Korea, ipinahayag nitong Biyernes, Disyembre 2, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula't mula pa'y tinututulan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng unilateral na sangsyon sa isang bansa sa labas ng balangkas ng UN Security Council (UNSC), at lalo pa nitong tinututulan ang pagkakapinsala ng anumang bansa sa lehitimong kapakanan ng panig Tsino sa pamamagitan ng naturang sangsyon.
Ani Geng, masalimuot at sensitibo ang kasalukuyang situwasyon ng Korean Peninsula. Dapat aniyang magkakasamang magsikap ang iba't-ibang panig upang maiwasan ang paglala ng situwasyon. Umaasa aniya siyang magtitimpi ang iba't-ibang panig sa kani-kanilang aksyon.
Salin: Li Feng