Idinaos Miyerkules, Disyembre 28, 2016, sa Tokyo ng Hapon ang ika-11 pagsasanggunian ng partnership na pangkabuhayan ng Tsina at Hapon.
Magkasamang nangulo sa pulong na ito sina Gao Yan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Keiichi Katakami, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hapon.
Nagpalitan ang dalawnag panig ng mga palagay hinggil sa kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, bilateral na kooperasyong pangkalakalan ng dalawang bansa, at mga isyung may kinalaman sa World Trade Organization at malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Timog Korea at Hapon.