Ayon sa datos ng Directorate of Investment and Company Administration (DICA) ng Myanmar, mula unang araw ng Abril hanggang ika-31 ng Oktubre ng taong ito, ang Singapore at Tsina ay ang unang dalawang bansang may pinakamalaking pamumuhunan sa bansang ito.
Ang bolyum ng direktang pamumuhunan ng Singapore sa Myanmar ay umabot sa 2.53 bilyong dolyares. Ang bolyum ng pamumuhunan ng Tsina sa bansang ito ay umabot sa 457 milyong dolyares.
Karamihan sa mga pamumuhunan ng Tsina ay nagtampok sa larangang industriyal ng Myanmar.