Idinaos Disyembre 19, 2016, sa Yangon, Myanmar ang di-pormal na pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga bansang ASEAN. Ang pagtitipong ito ay itinaguyod ng Myanmar para malutas ang sagupaan sa lalawigang Rakhine ng bansang ito.
Ipinahayag ni Ministrong Panlabas Aung San Suu Kyi ng Myanmar na nagsisikap ang kanyang pamahalaan para lutasin ang nasabing isyu. Samantala, nakahanda aniya ang Myanmar na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa UN at ASEAN para sa mapayapang paglutas sa naturang isyu.
Positibo ang mga Ministrong Panlabas ng ASEAN sa kagyat na pagsasapubliko ng Myanmar ng mga may-kinalamang impormasyon. Suportado rin nila ang mga hakbanging nakatakdang isagawa ng Myanmar, na kinabibilangan ng pagbibigay ng mga makataong tulong sa Rakhine.