Sinimulan kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Disyembre 2016, sa Guiyang, punong lunsod ng lalawigang Guizhou sa timog kanlurang Tsina, ang Youth Volunteers' Overseas Services Program for Myanmar.
Pagkaraan ng isang linggong paghahanda, pupunta sa Myanmar ang 17 boluntaryo, at ito ay magiging kauna-unahang pagpapadala ng Guizhou ng mga boluntaryo sa Myanmar.
Mananatili ang naturang mga boluntaryo sa Myanmar sa loob ng kalahati hanggang isang taon. Magbibigay sila ng serbisyo ng pagsasanay sa mga aspekto ng teknolohiyang pangmakina, teknolohiyang elektronikal, arkitektura, petroleum engineering, palakasan, at iba pa.
Salin: Liu Kai